Ayoko na sa Pharma
So ayun isa akong pharmacist, matalino may honor na
grumaduate noong College sa magandang Private University, scholar pa ako mga
bes. Nagtatrabaho na ako ngayon bilang isang Instructor sa isang Unibersidad sa
North Luzon. Dati nagtrabaho ako bilang LabTech sa UB ng 6 na buwan bago ako
nag board exam at pumasok bilang pharmacist samalaking drugstore. Nag enjoy ako
ng 1.5 years sa trabaho bilang retail pharmacist. Pagkatapos noon ay nag resign
ako dahil naboboring na ako sa paulit ulit na ginagawa—nagtitinda ng gamot,
nagiinventory ng mga expired medicines and hinahanap yung mga nawawalang gamot—mga
usual na gawain sa Pharmacy. Then, nag DOH ako. Bilang isang supervising
pharmacist, iniikot ko ang buong
probinsya sa North Luzon. Lahat ng 9 na rural health units nito ay pinupuntahan
ko. Nag stay ako doon ng 2 to 3 nights, kinakausap ang mga tauhan ng RHU, yung doctor,
yung midwife, nagiinventory kung saan ginagamit ang mga gamot na binibigay ng
gobyerno, etc. Okay naman ako sa ganong set-up pero nakakapagod lang din talaga
ang pagbabyahe papunta sa isang lugar palipat lipat. Yung pamasahe hindi pa
ipoprovide ng gobyerno.
Masasabi kong nakakasawa din pala maging pharmacist. Kasi
hindi naman talaga kinikilala ng mga tao at nang ibang propesyon ang mga
Pharmacist. Akala nila, which is kadalasan kasi ito ang kanilang nakikita, taga
tinda lang ng gamot ang isa RPh. Na parang ang dali dali ng gawain, at lisensya
lang ang kailangan. Kung mag-iikot kayo sa mga botica ngayon at tatanungin nyo
ang mga pasyente kung ano sa tingin nila ang trabaho ng pharmacist, malamang
ang sagot sa iyo: Nagtitinda or nagbibigay lamang ng gamot. Maging sa mga
ospital at tanggapan ng gobyerno, ganon ang tingin sa amin. Hindi ko naman sila
masisi kasi yun naman talaga ang usual practice at minsan mahirap palitan ang
buong health system.
Napapagod din akong mag explain kung ano nga ba ang roles naming
sa health system at sa lipunan in general. Maging ang mga pamilya ko hindi alam
kung ano ang ginagawa ko sa buhay. Mga kaibigan ko at mga kakilala ko
sinasabing mag Doctor na lang ako. Actually, gusting gusto ko n asana kasi
kayang kaya naman talaga ng utak ko. Pero dahil mabigat ang responsibilidad ko
bilang panganay at hindi naman kami mayaman, hindi ko na ito tinutuloy pa. Kahit
sabihing may scholarship, mukhang di pa rin talaga possible base sa kalkulasyon
ko (marahil mali ang pag estimate ko). Pero alam ko sa sarili ko na hindi pa
ako handa sa pinansyal na aspeto dahil nga masyadong magastos ang Medisina. Sa
totoo lang nararamdaman ko na parang mababa ang tingin ng mga kaibigan ko at
nang kapamilya ko sa aking natapos. Pero hindi ko na lamang ito pinapansin (or
baka naman insecure lang talaga ako haha :D)
Ang Pharmacy ay mahirap na kurso. Ang daming Chemistry at
Health terms na kailangang isaulo at alamin. Ang daming requirements at ginagawa
pero sa kalaunan madali na lamang ang trabaho nito sa actual na setting. Minsan
nag PhaPharmacy na lang yung iba dahil may mga botica sila at ayaw na nilang
maghire ng kanilang Pharmacist. Bussiness-oriented ang kadalasan na dahilan,
yung pagtulong sa kapwa at pagkakaroon ng malasakit ay hindi masyadong umiiral
sa totoong practice. Ewan ko ba pero minsan parang nagtatanong ako kung mali
nga ba ang kinuha kong kurso?
Comments