Ang tunay na Pagmamahal ay hindi Nagmamadali

Marami sa kabataan ngayon ang maagang pumapasok sa relasyon. Ni hindi pa nga nila kayang magluto ng kanin pero mas inuuna pa rin nila ang pakikipag boypren/girlpren. Hindi ko naman sinasabing masama ito, pero kung susuriin nating mabuti hindi ito tama. Sapagkat hindi pa sapat ang Emotional Quotient ng mga kabataang ito, hindi pa nila lubusang naiintindihan ang sitwasyon. Dahil dito nagbubunga ng nakakapanghinayang na resulta ang pagpasok nila sa isang relasyon.

Ang stage ng puberty ay nagdudulot ng malaking pagbabago sa pisikal at kemikal na aspeto ng katawan. Ang isang lalaki ay lumalaki ang pangangatawan, tumatangkad ng maigi, bumababa ang boses, tumutubo ang mga buhok sa iba’t ibang parte at tumataas ang lebel ng testosterone, androgen at ilan pang sex hormones. Dahil dito nagiging agresibo ang isang lalaki at siya ay nasa crucial stage. Kailangan ng malawak na pang-unawa mula sa mga magulang, gabay at pagmamahal para hindi sila mapariwara. Karamihan kasi ay natututo ng uminom, magyosi, magrebelde, makibarkada at siempre natural na curious kung kaya’t dinidiskobre nila ang kanilang sexuality.  Sa mga kababaihan naman, unti-unting humuhubog ang kanilang mga curves at fat deposits sa puwet at dibdib. Nagiging mas conscious na sila sa kanilang mga sarili kung kaya’t ibayong pag-iingat ang kailangan nila. Tumataas din ang estrogen at progesterone nila sa natural na cycle nito at nagsisimula na silang mag menstruate. Dahil dito kailangan nila ng matinding payo mula sa kanilang mga nanay upang mas maintindihan nila ang kanilang mga sarili. Natural lang din na curious sila sa kanilang sexuality kung kaya’t gusto nila itong idiscover.

Kung kulang sa kaalaman ang isang bata maari siyang mawala sa landas ng tama. Kung hahayaan lang natin na sila ay makipag girlfriend or boyfriend maaring hindi nila makontrol ang kanilang mga sarili kung kaya’t sila ay maagang nakakabuntis or nagbubuntis. Ito ay tinatawag na teenage pregnancy. Sa mga kalalakihan, huwag masyadong maging agresibo kundi self-discipline ang iyong kailangan. Kung sa tingin mo ay sabik ka na gawin ang isang bagay na hindi pa tama, huwag kang mahiyang magsabi sa mga nakakatanda sa iyo dahil naiintindihan ka naman nila. Makinig ka sa mga payo ng mga kuya, tito, guardian, parents o kahit sinong responsableng tao. Sa mga kababaihan naman, alagaan mo ang binigay ng Diyos na pagkababae mo. Huwag maniniwala sa mga flowery words o di kaya mga pangako ng lalaki dahil hindi pa niya alam ang sinasabi niya. Gusto ka lang niyang makuha, yan ang kalimitang nangyayari.

Maswerte ang mangilan ngilan na kaya pang ikontrol ang sarili sa stage na ito. Sila ay may takot sa Diyos, puno sila ng pagmamahal at pag-aaruga ng kanilang mga mahal sa buhay. Sila ang mga nasa tamang landas. Kung may kapamilya, kapuso, kapatid, kaklase o kahit sino pa man na sa tingin mo ay nawawala sa landas tulungan mo. Huwag kang mahihiyang kausapin siya upang itama ang kanyang ginagawa. Ibahagi mo ang iyong sarili upang makatulong sa iba.

Sa mga iba naman na hindi talaga kayang makapag-antay, marami kayong pwedeng gawin para maiwasan ang tinatawag na teenage pregnancy. Abstinence, masturbation, the use of condoms, pills and other forms of contraception are necessary. Hindi ka pa ready sa isang mabigat na responsibilidad kung kaya’t kailangan mo nito. Hindi madali ang magkaroon ng baby lalo pa at hindi mo pa nakakamit ang mga mithiin at pangarap mo sa buhay. Hindi ka pa ready sa matinding hamon at pagsubok ng pagkakaroon ng anak. Kun kaya naman huwag munang gumawa ng bagay na labis mong pagsisihan.

Sana sa mga kabataan ngayon, huwag kayong magmadali. Dahil kung talagang mahal ka niya, willing siyang maghintay para sa tamang panahon. Kahit pa 10 years, 20 years o 30 years pa yan. Dahil nga true love waits, and it will be worth it kapag nahanap mo na ang “the one”na magstay sayo for the rest of your life!

Comments

Popular posts from this blog

Living Life One Step at a Time

Understanding Autonomic Pharmacology: A Short Essay (Part 1 of 2)

Bakit Kailangang Lumaban?