Umibig sa Tamang Panahon

sinulat ni: archi byqn

Ang Pag-ibig nakakubli sa Puso ni Yaya
Tumitibok, Nagmamahal, Nagdaramdam
Tila Napakabagal ang ikot ng Mundo
Nais niyang sumuko, bumigay sa hamon

Ang alon ng dagat di na gaya ng dati
Ang pinta ng namumulang bulaklak
Nag-iba, nagbabadyang maglaho
Sa tagal ng panahong ginugol

Isa siyang musmos na kulang sa karanasan
Kulang ang nalalaman, walang paki-alam
Mga isyu ng lipunan kanya na ring kinalimutan
Pag-ibig ang nanaig, kaluluwa’y puno ng kilig

Yaya buksan ang iyong isip
Mahalaga’y gawin, ang dapat unahin
Ipinagkaloob na oras huwag sayangin
Sa tamang panahon, ika’y papalarin

Sa tamang panahon iyong maintindihan
Ang lahat ng sinabi’y may katuturan
Sa tamang panahon, siya ay darating
Ika’y kukunin at kayo’y magsisiping

 
Love can Wait!

Comments

Popular posts from this blog

Living Life One Step at a Time

Understanding Autonomic Pharmacology: A Short Essay (Part 1 of 2)

Bakit Kailangang Lumaban?