Pag-ibig at Kaluluwa

sinulat ni: byqn archi

Mundo’y malikot tila di na Umiikot
Tadhana’y apoy nagbabaga’t nakakapaso
Ngunit kahit anong sakit, puso’y manhid
Martir sa pag-ibig, bulag ang isip


Utak niya’y puno ng talino
Sa mga medalyang kanyang natamo
Ngunit bakit nga ba nagpapakabobo?
Sa pag-ibig ikaw ba’y desperado?


Anong magagawa sa pintig ng puso
Pinaghihiwalay ngunit nagkakatagpo
“Matatayog na bundok handang tahakin
Marikit na dalaga’y mapasaakin”


Isa siyang hangal nagpupumilit
Alam niyang bawal, di kaakit-akit
Maging mga ibon sa himpapawid
Testigo sa malayong agwat ng kanilang estado


Gayunpaman, siya’y di sumuko
Puspusan ang laban hanggang sa kahuli-hulian
Sampung taon siyang nakipagsapalaran
Bagyo sa Baybaying Dagat kanyang tinawid

Dilag ay nabagot naghanap sa kaliwa
Isang matanda’y nag-alok ng gintong kutsara
Nasilaw ang dalaga sa ningning niyang dala
Matanda’y kinuha kanyang pagkadalaga


Nalaman ng binata kanyang tadhana
Sakit sa dibdib tila di na niya kaya
Kalibreng .45mm kanyang kinasa
Nilapat sa puso matapos lagyan ng bala


Ikaw na ang bahala, makapangyarihang Bathala”
Labis na hinagpis sigaw ng binata
Mundo’y mapaglaro, apoy nagbabaga

Bungo’y sumabog, dugo’y nanalaytay sa kanyang kaluluwa

Mahalin mo ako, gaya ng pagmamahal ko aking Giliw!


Comments

Popular posts from this blog

Living Life One Step at a Time

Understanding Autonomic Pharmacology: A Short Essay (Part 1 of 2)

Bakit Kailangang Lumaban?