Ang Kahirapan sa Bansang Sinilangan
Labis na nagdadalamhati ang aking kaluluwa Hirap sa Pagkain, gutom ang sikmura Ang aking baga wala nang maihinga Nasaan ang Bathala, makialam ba Siya? Kung bakit hirap ang minsa’y bansang sagana Madilim ang bawat sulok na nakikita Mga islang sagana sa perlas, walang pruweba Mga naniniraha’y nagtitiis sa dusa Sa bawat bagyong bumabayo Hinagpis ang dala ng bawat peligro Ang tamis sa ngiti napilitang maglaho Mga bangkay na tinangay unti-unting bumaho Buto at balata ang siyang natira Lantay na katawan kinain ng buwaya Pinagpiyestahan, pinatay ng walang awa Mga buwaya’t baboy di na nahiya Labis niyang pagsisihan Kung bakit Siya’y isinilang Sa bansang alipin kanyang pinagmulan Gusto niyang makawala sa bilangguan Nilibing ka ng dayuhan Sunud-sunuran sa kamadag ng cobrang makapangyarihan Maging sarili mong anak ika’y tinalikuran Para sa mas masarap na buhay sa ibang bayan Sa Diyos nananalig, nawa ika’y kanyang tulungan Hinagpis ng ...