Pag-ibig at Kaluluwa
sinulat ni: byqn archi Mundo’y malikot tila di na Umiikot Tadhana’y apoy nagbabaga’t nakakapaso Ngunit kahit anong sakit, puso’y manhid Martir sa pag-ibig, bulag ang isip Utak niya’y puno ng talino Sa mga medalyang kanyang natamo Ngunit bakit nga ba nagpapakabobo? Sa pag-ibig ikaw ba’y desperado? Anong magagawa sa pintig ng puso Pinaghihiwalay ngunit nagkakatagpo “Matatayog na bundok handang tahakin Marikit na dalaga’y mapasaakin” Isa siyang hangal nagpupumilit Alam niyang bawal, di kaakit-akit Maging mga ibon sa himpapawid Testigo sa malayong agwat ng kanilang estado Gayunpaman, siya’y di sumuko Puspusan ang laban hanggang sa kahuli-hulian Sampung taon siyang nakipagsapalaran Bagyo sa Baybaying Dagat kanyang tinawid Dilag ay nabagot naghanap sa kaliwa Isang matanda’y nag-alok ng gintong kutsara Nasilaw ang dalaga sa ningning niyang dala Matanda’y kinuha kanyang pagkadalaga Nalaman ng binata kanyang tadhana Sa...