Hindi Ikaw si Darna, Nahihibang ka ba?
Marami sa atin ang dumaranas ng hinagpis at kahirapan. Mga pagsubok na kailanma'y di natin malilimutan dahil sa pait nitong iniwan sa ating kalooban. Gayunpaman, hindi ba't pruweba na malakas ka at nalagpasan mo ang matinding pagsubok sapagkat ika'y humihinga pa? Isa itong sinyales na mahal ka ng Diyos, dahil ikaw ay nabubuhay pa dito sa planeta. Na kahit gaano kalakas na bagyo ang dumaan minsan o madalas sa iyong buhay, nakakaya mong bumangon. Nanliliit ka sa iyong sarili dahil sa tingin mo walang nangyayari? Pero huwag ka lang panghinaan ng puso, at tatagan mo ang iyong pananampalataya sapagkat darating din ang araw na nakalaan para sa iyo. Hindi ikaw si Darna na kaya mong iligtas ang buhay ng lahat ng tao. Hindi ikaw si Darna na magbibigay kasagutan para sa lahat. Hindi ikaw si Darna para hindi humingi ng tulong kung ikaw ay labis nang nahihirapan. Bagkus, ikaw ay may limitasyon, sapagkat tao ka tulad ng iba. Kung sa tingin mo hindi mo na kaya, sabihin mo at humanap...