Ayoko na sa Pharma
So ayun isa akong pharmacist, matalino may honor na grumaduate noong College sa magandang Private University, scholar pa ako mga bes. Nagtatrabaho na ako ngayon bilang isang Instructor sa isang Unibersidad sa North Luzon. Dati nagtrabaho ako bilang LabTech sa UB ng 6 na buwan bago ako nag board exam at pumasok bilang pharmacist samalaking drugstore. Nag enjoy ako ng 1.5 years sa trabaho bilang retail pharmacist. Pagkatapos noon ay nag resign ako dahil naboboring na ako sa paulit ulit na ginagawa—nagtitinda ng gamot, nagiinventory ng mga expired medicines and hinahanap yung mga nawawalang gamot—mga usual na gawain sa Pharmacy. Then, nag DOH ako. Bilang isang supervising pharmacist, iniikot ko ang buong probinsya sa North Luzon. Lahat ng 9 na rural health units nito ay pinupuntahan ko. Nag stay ako doon ng 2 to 3 nights, kinakausap ang mga tauhan ng RHU, yung doctor, yung midwife, nagiinventory kung saan ginagamit ang mga gamot na binibigay ng gobyerno, etc. Okay naman ako sa ganon...